paano isinagawa ang mga kilos protesta ng bagong idineklara at noong ideniklara ang atas militar ni panhulong marcus



paano isinagawa ang mga kilos protesta ng bagong idineklara at noong ideniklara ang atas militar ni panhulong marcus​

Answer:

Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan.1 Nagkaroon din ng isang pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at pambobomba sa mga ibat ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago.

Explanation:

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino.



Leave a Reply

Your email address will not be published.