Ano ang Nalaman nyo sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal



Ano ang Nalaman nyo sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal​

Answer:

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinaka tanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na mag praktis ng pang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.



Leave a Reply

Your email address will not be published.